PAMPUBLIKONG TALAKAYAN

Nais namin, ang Equal Justice Equal Pay Foundation, na mag-organisa ng isang pampublikong talakayan sa Jakarta at Maynila upang magbigay ng dagdag na kaalaman tungkol sa Seafarers Claim.Ipahayag ang inyong interes sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa ibaba!

Ano ang Seafarers Claim?

Layunin naming makakuha ng kompensasyon para sa mga Indonesian at Pilipinong seafarers na nagtatrabaho o nagtrabaho sa mga Dutch-owned ships na nakarehistro sa Dutch flag. Sinusubukan muna ito sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap, ngunit kung ito’y mabigo, sa pamamagitan ng paglilitis. Dahil dito, kami ay naghahanda ng kaso sa korte ng Netherlands laban sa mga Dutch na may-ari ng barko dahil sa hindi pantay na sahod at hindi makatarungang pagtrato sa mga Indonesian at Pilipinong seafarers na nakasampa sa kanilang mga barko (Seafarers Claim). Ito ay tugon sa pasya ng Netherlands Institute of Human Rights na nagsabi na ang ganitong gawain ay labag sa batas at isang uri ng diskriminasyon. Makikita ang karagdagang impormasyon hinggil sa pasyang ito rito. Sa Seafarers Claim, ang aming layunin ay panagutin ang mga kumpanyang-Dutch sa hindi patas na pagtrato at tulungan ang mga Indonesian at Pilipinong seafarers na nakapagtrabaho sa ilang barkong-Dutch mula 2016 na makuha ang sahod na hindi nila natanggap sa loob ng limang taon.

Kung ikaw ay nagtrabaho sa barkong Dutch at ang huling araw mo ng trabaho sa barkong iyon ay pagkatapos ng 15 Nobyembre 2016, at ikaw ay naninirahan sa Indonesia o Pilipinas, maaari kang maging kwalipikado na sumali sa Seafarers Claim. Kung hindi ka pa nakakapag-rehistro, maaari kang magrehistro rito. Libre ang pagpaparehistro.

Tungkol saan ang Diskusyong Pampubliko na ito?

Upang masagot ang inyong mga katanungan at maibahagi ang karagdagang impormasyon tungkolsa Seafarers Claim, nais naming magdaos ng isang information event sa Jakarta sa Indonesia at/o Maynila sa Pilipinas. Ang mga abogado na humahawak sa kaso mula sa Indonesia, Pilipinas, at Netherlands ay dadalo nang personal at online upang ipaliwanag ang proseso sa korte at sagutin ang inyong mga tanong. Kung ikaw ay nagtrabaho sa barkong-Dutch sa nakalipas na limang taon, ang event na ito ay para sa iyo!

Ipahayag ang inyong interes sa pamamagitan ng pagsagot ng form sa ibaba.
2026 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
crosschevron-down linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram