Layunin naming makakuha ng kompensasyon para sa mga Indonesian at Pilipinong seafarers na nagtatrabaho o nagtrabaho sa mga Dutch-owned ships na nakarehistro sa Dutch flag. Sinusubukan muna ito sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap, ngunit kung ito’y mabigo, sa pamamagitan ng paglilitis. Dahil dito, kami ay naghahanda ng kaso sa korte ng Netherlands laban sa mga Dutch na may-ari ng barko dahil sa hindi pantay na sahod at hindi makatarungang pagtrato sa mga Indonesian at Pilipinong seafarers na nakasampa sa kanilang mga barko (Seafarers Claim). Ito ay tugon sa pasya ng Netherlands Institute of Human Rights na nagsabi na ang ganitong gawain ay labag sa batas at isang uri ng diskriminasyon. Makikita ang karagdagang impormasyon hinggil sa pasyang ito rito. Sa Seafarers Claim, ang aming layunin ay panagutin ang mga kumpanyang-Dutch sa hindi patas na pagtrato at tulungan ang mga Indonesian at Pilipinong seafarers na nakapagtrabaho sa ilang barkong-Dutch mula 2016 na makuha ang sahod na hindi nila natanggap sa loob ng limang taon.